Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA GAWA 20:31-36

MGA GAWA 20:31-36 ABTAG01

Kaya't kayo'y maging handa at alalahanin ninyo na sa loob ng tatlong taon ay hindi ako tumigil sa gabi at araw ng pagbibigay-babala na may pagluha sa bawat isa. Ngayo'y ipinagkakatiwala ko kayo sa Diyos, at sa salita ng kanyang biyaya, na makapagpapatibay sa inyo at makapagbibigay sa inyo ng mana na kasama ng lahat na mga ginawang banal. Hindi ko pinag-imbutan ang pilak, o ang ginto, o ang damit ninuman. Kayo mismo ang nakakaalam na ang mga kamay na ito ay naglingkod sa aking mga pangangailangan at sa mga kasama ko. Sa lahat ng bagay ay ipinakita ko sa inyo na sa ganitong paggawa ay dapat tulungan ang mahihina, at alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus, na siya mismo ang nagsabi, ‘Higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap.’” Pagkatapos niyang magsalita ay lumuhod siya at nanalanging kasama nilang lahat.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA GAWA 20:31-36