Kahabag-habag siya na marumi, nadungisan at mapang-aping lunsod! Siya'y hindi nakinig sa tinig ninuman; siya'y hindi tumanggap ng pagtutuwid. Siya'y hindi nagtiwala sa PANGINOON; siya'y hindi lumapit sa kanyang Diyos. Ang mga pinunong kasama niya ay mga leong umuungal; ang mga hukom niya ay mga asong ligaw sa gabi; sila'y walang inilalabi hanggang sa kinaumagahan. Ang kanyang mga propeta ay walang kabuluhan at mga taksil; nilapastangan ng kanyang mga pari ang bagay na banal, sila'y nagsigawa ng karahasan sa kautusan. Ang PANGINOON sa gitna niya ay matuwid; siya'y hindi gumagawa ng mali; tuwing umaga'y kanyang ipinapakita ang kanyang katarungan, siya'y hindi nagkukulang bawat madaling-araw; ngunit walang kahihiyan ang di-matuwid. “Ako'y nag-alis ng mga bansa; ang kanilang mga kuta ay sira. Aking winasak ang kanilang mga lansangan, na anupa't walang dumaraan sa mga iyon; ang kanilang mga lunsod ay giba, kaya't walang tao, walang naninirahan. Aking sinabi, ‘Tiyak na ikaw ay matatakot sa akin, siya'y tatanggap ng pagtutuwid; sa gayo'y ang kanyang tahanan ay hindi mahihiwalay ayon sa aking itinakda sa kanya.’ Ngunit sila'y lalong naging masigasig na pasamain ang lahat nilang mga gawa.” “Kaya't hintayin ninyo ako,” sabi ng PANGINOON, “sa araw na ako'y bumangon bilang saksi. Sapagkat ang aking pasiya ay tipunin ang mga bansa, upang aking matipon ang mga kaharian, upang maibuhos ko sa kanila ang aking galit, lahat ng init ng aking galit; sapagkat ang buong lupa ay tutupukin, ng apoy ng aking naninibughong poot.
Basahin SEFANIAS 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: SEFANIAS 3:1-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas