Zefanias 3:1-8
Zefanias 3:1-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mapapahamak ang mapaghimagsik na lunsod ng Jerusalem, punung-puno ng mga makasalanan at ng mga pinunong mapang-api. Hindi ito sumusunod kay Yahweh at ayaw tumanggap ng kanyang pagtutuwid. Wala itong tiwala sa kanya, at ayaw nitong lumapit sa Diyos upang humingi ng tulong. Ang kanyang mga pinuno ay parang mga leong umuungal; ang mga hukom nama'y parang mga asong-gubat sa gabi, na sa pagsapit ng umaga'y walang itinitira kahit na buto. Ang kanyang mga propeta ay di mapagkakatiwalaan at mapanganib; ang kanyang mga pari ay lapastangan sa mga bagay na sagrado; at binabaluktot ang kautusan para sa kanilang kapakinabangan. Ngunit nasa lunsod pa rin si Yahweh; doo'y pawang tama ang kanyang ginawa at kailanma'y hindi siya nagkakamali. Araw-araw ay walang tigil niyang ipinapakita ang kanyang katarungan sa kanyang bayan, ngunit hindi pa rin nahihiya ang masasama sa paggawa ng kasalanan. “Nilipol ko na ang mga bansa; winasak ko na ang kanilang mga tore at kuta. Sinira ko na ang kanilang mga lansangan, kaya't wala ni isa mang doo'y dumaraan. Giba na ang mga lunsod nila, wala nang naninirahan doon,” sabi ni Yahweh. Kaya't nasabi ko, “Tiyak na matatakot na siya sa akin, tatanggap na siya ng aking pagtutuwid. Hindi na niya ipagwawalang-bahala ang mga paalala ko. Ngunit lalo pa siyang nasabik gumawa ng masama.” “Kaya't hintayin ninyo ako,” sabi ni Yahweh, “hintayin ninyo ang araw ng aking pag-uusig. Sapagkat ipinasya kong tipunin, ang mga bansa at ang mga kaharian, upang idarang sila sa init ng aking galit, sa tindi ng aking poot; at ang buong lupa ay matutupok sa apoy ng aking poot.
Zefanias 3:1-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi ni Zefanias: Nakakaawa ang Jerusalem! Ang mga naninirahan dito ay nagrerebelde sa Dios at gumagawa ng karumihan. Ang kanyang mga pinuno ay mapang-api. Hindi sila nakikinig kahit kanino, at ayaw nilang magpaturo. Hindi sila nagtitiwala sa PANGINOON na kanilang Dios, ni lumalapit sa kanya. Ang kanilang mga opisyal ay parang leon na umaatungal. Ang kanilang mga pinuno ay parang mga lobo na naghahanap ng makakain kung gabi, at walang itinitira pagsapit ng umaga. Ang kanilang mga propeta ay padalos-dalos sa kanilang mga ginagawa at hindi mapagkakatiwalaan. Nilalapastangan ng kanilang mga pari ang mga bagay na banal at sinusuway ang Kautusan ng Dios. Pero naroon pa rin ang presensya ng PANGINOON sa kanilang lungsod. Ginagawa ng PANGINOON ang mabuti at hindi ang masama. Araw-araw ipinapakita niya ang kanyang katarungan, at nananatili siyang tapat. Pero ang masasama ay patuloy na gumagawa ng masama at hindi sila nahihiya. Sinabi ng PANGINOON, “Nilipol ko ang mga bansa; giniba ko ang kanilang mga lungsod pati ang kanilang mga pader at mga tore. Wala nang natirang mga mamamayan, kaya wala nang makikitang taong naglalakad sa kanilang mga lansangan. Dahil sa mga ginawa kong ito akala ko igagalang na ako ng aking mga mamamayan at tatanggapin na nila ang aking pagsaway sa kanila, para hindi na magiba ang kanilang lungsod ayon sa itinakda ko sa kanila. Pero lalo pa silang nagpakasama. “Kaya kayong tapat na mga taga-Jerusalem, hintayin ninyo ang araw na uusigin ko ang mga bansa. Sapagkat napagpasyahan kong tipunin ang mga bansa at ang mga kaharian para ibuhos sa kanila ang matindi kong galit na parang apoy na tutupok sa buong mundo.
Zefanias 3:1-8 Ang Biblia (TLAB)
Sa aba niya na mapanghimagsik at nadumhan! ng mapagpighating kamay! Siya'y hindi sumunod sa tinig; siya'y hindi napasaway; siya'y hindi tumiwala sa Panginoon; siya'y hindi lumapit sa kaniyang Dios. Ang mga prinsipe niya sa gitna niya ay mga leong nagsisiungal; ang mga hukom niya ay mga lobo sa gabi; sila'y walang inilalabi hanggang sa kinaumagahan. Ang kaniyang mga propeta ay mga walang kabuluhan at mga taong taksil; nilapastangan ng kaniyang mga saserdote ang santuario, sila'y nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan. Ang Panginoon sa gitna niya ay matuwid; siya'y hindi gagawa ng kasamaan; tuwing umaga'y kaniyang ipinaliliwanag ang kaniyang matuwid na kahatulan, siya'y hindi nagkukulang; nguni't ang hindi ganap ay hindi nakakaalam ng kahihiyan. Ako'y naghiwalay ng mga bansa; ang kanilang mga kuta ay sira; aking iniwasak ang kanilang mga lansangan, na anopa't walang makaraan; ang kanilang mga bayan ay giba, na anopa't walang tao, na anopa't walang tumatahan. Aking sinabi, Matakot ka lamang sa akin; tumanggap ng pagsaway; sa gayo'y ang kaniyang tahanan ay hindi mahihiwalay, ayon sa lahat na aking itinakda sa kaniya: nguni't sila'y bumangong maaga, at kanilang sinira ang lahat nilang gawa. Kaya't hintayin ninyo ako, sabi ng Panginoon, hanggang sa kaarawan na ako'y bumangon sa panghuhuli; sapagka't ang aking pasiya ay pisanin ang mga bansa, upang aking mapisan ang mga kaharian, upang maibuhos ko sa kanila ang aking kagalitan, sa makatuwid baga'y ang aking buong mabangis na galit; sapagka't ang buong lupa ay sasakmalin, ng silakbo ng aking paninibugho.
Zefanias 3:1-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mapapahamak ang mapaghimagsik na lunsod ng Jerusalem, punung-puno ng mga makasalanan at ng mga pinunong mapang-api. Hindi ito sumusunod kay Yahweh at ayaw tumanggap ng kanyang pagtutuwid. Wala itong tiwala sa kanya, at ayaw nitong lumapit sa Diyos upang humingi ng tulong. Ang kanyang mga pinuno ay parang mga leong umuungal; ang mga hukom nama'y parang mga asong-gubat sa gabi, na sa pagsapit ng umaga'y walang itinitira kahit na buto. Ang kanyang mga propeta ay di mapagkakatiwalaan at mapanganib; ang kanyang mga pari ay lapastangan sa mga bagay na sagrado; at binabaluktot ang kautusan para sa kanilang kapakinabangan. Ngunit nasa lunsod pa rin si Yahweh; doo'y pawang tama ang kanyang ginawa at kailanma'y hindi siya nagkakamali. Araw-araw ay walang tigil niyang ipinapakita ang kanyang katarungan sa kanyang bayan, ngunit hindi pa rin nahihiya ang masasama sa paggawa ng kasalanan. “Nilipol ko na ang mga bansa; winasak ko na ang kanilang mga tore at kuta. Sinira ko na ang kanilang mga lansangan, kaya't wala ni isa mang doo'y dumaraan. Giba na ang mga lunsod nila, wala nang naninirahan doon,” sabi ni Yahweh. Kaya't nasabi ko, “Tiyak na matatakot na siya sa akin, tatanggap na siya ng aking pagtutuwid. Hindi na niya ipagwawalang-bahala ang mga paalala ko. Ngunit lalo pa siyang nasabik gumawa ng masama.” “Kaya't hintayin ninyo ako,” sabi ni Yahweh, “hintayin ninyo ang araw ng aking pag-uusig. Sapagkat ipinasya kong tipunin, ang mga bansa at ang mga kaharian, upang idarang sila sa init ng aking galit, sa tindi ng aking poot; at ang buong lupa ay matutupok sa apoy ng aking poot.
Zefanias 3:1-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)