Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ZACARIAS 5

5
Ang Pangitain ng Lumilipad na Balumbon
1Muli kong itinaas ang aking mga paningin at aking nakita, at narito, isang lumilipad na balumbon!
2Sinabi niya sa akin, “Ano ang iyong nakikita?” Ako'y sumagot, “Nakikita ko ang isang lumilipad na balumbon. Ang haba nito ay dalawampung siko at ang luwang nito ay sampung siko.”
3Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, “Ito ang sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupain; tiyak na ang bawat nagnanakaw ay mahihiwalay sa isang dako ayon doon; at bawat manunumpa na may kasinungalingan ay mahihiwalay sa kabilang dako, ayon doon.
4Aking isusugo iyon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ito'y papasok sa bahay ng magnanakaw, at sa bahay ng nanunumpa ng kasinungalingan sa pangalan ko. Ito'y titira sa gitna ng kanyang bahay at uubusin ito, ang mga kahoy at mga bato.”
5Ang anghel na nakipag-usap sa akin ay lumapit at sinabi sa akin, “Itaas mo ang iyong paningin, at tingnan mo kung ano itong dumarating.”
6Aking sinabi, “Ano iyon?” Kanya namang sinabi, “Ito ang efa na dumarating.” At kanyang sinabi, “Ito ang kanilang anyo sa buong lupain.”
7At narito, ang tinggang panakip ay itinaas at may isang babaing nakaupo sa gitna ng efa!
8Kanyang sinabi, “Ito ang Kasamaan.” Kanyang itinulak itong pabalik sa gitna ng efa, at ipinatong ang pabigat na tingga sa bunganga niyon.
9Itinaas ko ang aking paningin, aking nakita, at lumalapit ang dalawang babae! Ang hangin ay nasa kanilang mga pakpak; sila nga'y may mga pakpak na gaya ng mga pakpak ng tagak at kanilang itinaas ang efa sa pagitan ng lupa at langit.
10Nang magkagayo'y sinabi ko sa anghel na nakikipag-usap sa akin, “Saan nila dadalhin ang efa?”
11Sinabi niya sa akin, “Sa lupain ng Sinar upang ipagtayo ito ng bahay doon; at kapag ito'y naihanda na, ilalagay ito doon sa patungan nito.”

Kasalukuyang Napili:

ZACARIAS 5: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya