Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ZACARIAS 4

4
Ang Pangitain tungkol sa Kandelero
1Ang anghel na nakipag-usap sa akin ay bumalik at ginising ako, na gaya ng taong ginigising sa pagkakatulog.
2Sinabi niya sa akin, “Ano ang iyong nakikita?” Aking sinabi, “Ako'y tumingin, at nakita ko, at narito, ang isang ilawan na purong ginto na may mangkok sa ibabaw niyon; may pitong ilawan sa ibabaw niyon, at may pitong tubo sa bawat isa sa mga ilawan na nasa ibabaw niyon.
3May#Apoc. 11:4 dalawang puno ng olibo sa tabi niyon, isa sa dakong kanan ng mangkok, at ang isa'y sa dakong kaliwa niyon.”
4Sinabi ko sa anghel na nakipag-usap sa akin, “Ano ang mga ito, panginoon ko?”
5Nang magkagayo'y sinagot ako ng anghel na nakipag-usap sa akin, “Hindi mo ba nalalaman kung ano ang mga ito?” Aking sinabi, “Hindi, panginoon ko.”
Ang Pangako ng Diyos kay Zerubabel
6Sinabi#Ezra 5:2 niya sa akin, “Ito ang salita ng Panginoon kay Zerubabel, na sinasabi: Hindi sa pamamagitan ng lakas, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
7Ano ka, O malaking bundok? Sa harapan ni Zerubabel ay magiging kapatagan ka; at kanyang ilalagay ang pangunahing bato na may pagsisigawan ng, ‘Biyaya, biyaya sa kanya.’”
8Bukod dito'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon na sinasabi:
9“Ang mga kamay ni Zerubabel ay siyang naglagay ng pundasyon ng bahay na ito; ang kanyang mga kamay ay siya ring tatapos nito. At malalaman mo na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo.
10Sapagkat#Apoc. 5:6 sinong humamak sa araw ng maliliit na bagay? Sapagkat sila'y magagalak, at makikita nila ang batong pabigat sa kamay ni Zerubabel. “Ang pitong ito'y mga mata ng Panginoon na nagpaparoo't parito sa buong lupa.”
11At#Apoc. 11:4 sumagot ako sa kanya, “Ano itong dalawang puno ng olibo sa dakong kanan at kaliwa ng ilawan?”
12Sa ikalawang pagkakataon ay sumagot ako sa kanya, “Ano itong dalawang sangang olibo na nasa tabi ng dalawang gintong tubo na dinadaluyan ng langis?”
13Sinabi niya sa akin, “Hindi mo ba nalalaman kung ano ang mga ito?” Aking sinabi, “Hindi, panginoon ko.”
14Nang magkagayo'y sinabi niya, “Ito ang dalawang binuhusan ng langis na nakatayo sa tabi ng Panginoon ng buong lupa.”

Kasalukuyang Napili:

ZACARIAS 4: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya