Sinabi ko sa anghel na nakipag-usap sa akin, “Ano ang mga ito, panginoon ko?” Nang magkagayo'y sinagot ako ng anghel na nakipag-usap sa akin, “Hindi mo ba nalalaman kung ano ang mga ito?” Aking sinabi, “Hindi, panginoon ko.” Sinabi niya sa akin, “Ito ang salita ng PANGINOON kay Zerubabel, na sinasabi: Hindi sa pamamagitan ng lakas, ni ng kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu, sabi ng PANGINOON ng mga hukbo. Ano ka, O malaking bundok? Sa harapan ni Zerubabel ay magiging kapatagan ka; at kanyang ilalagay ang pangunahing bato na may pagsisigawan ng, ‘Biyaya, biyaya sa kanya.’” Bukod dito'y dumating sa akin ang salita ng PANGINOON na sinasabi: “Ang mga kamay ni Zerubabel ay siyang naglagay ng pundasyon ng bahay na ito; ang kanyang mga kamay ay siya ring tatapos nito. At malalaman mo na ang PANGINOON ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo. Sapagkat sinong humamak sa araw ng maliliit na bagay? Sapagkat sila'y magagalak, at makikita nila ang batong pabigat sa kamay ni Zerubabel. “Ang pitong ito'y mga mata ng PANGINOON na nagpaparoo't parito sa buong lupa.” At sumagot ako sa kanya, “Ano itong dalawang puno ng olibo sa dakong kanan at kaliwa ng ilawan?” Sa ikalawang pagkakataon ay sumagot ako sa kanya, “Ano itong dalawang sangang olibo na nasa tabi ng dalawang gintong tubo na dinadaluyan ng langis?” Sinabi niya sa akin, “Hindi mo ba nalalaman kung ano ang mga ito?” Aking sinabi, “Hindi, panginoon ko.” Nang magkagayo'y sinabi niya, “Ito ang dalawang binuhusan ng langis na nakatayo sa tabi ng Panginoon ng buong lupa.”
Basahin ZACARIAS 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: ZACARIAS 4:4-14
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas