Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ZACARIAS 2:5-13

ZACARIAS 2:5-13 ABTAG01

Sapagkat ako ay magiging sa kanya'y isang pader na apoy sa palibot, sabi ng PANGINOON, at ako'y magiging kaluwalhatian sa gitna niya.’” “Hoy! Hoy! Tumakas kayo mula sa lupain ng hilaga, sapagkat ikinalat ko kayo na gaya ng apat na hangin ng kalangitan,” sabi ng PANGINOON. Hoy! Tumakas ka na Zion, ikaw na naninirahang kasama ng anak na babae ng Babilonia. Ganito ang sabi ng PANGINOON ng mga hukbo, pagkatapos na suguin ako ng kanyang kaluwalhatian sa mga bansa na nanamsam sa inyo: Tunay na ang sumaling sa inyo ay sumasaling sa itim ng kanyang mata. “Sapagkat narito, iwawagayway ko ang aking kamay sa kanila, at sila'y magiging samsam sa mga naglilingkod sa kanila. Inyong malalaman na ang PANGINOON ng mga hukbo ang nagsugo sa akin. Umawit ka at magalak, O anak na babae ng Zion, sapagkat narito, ako'y dumarating at ako'y maninirahan sa gitna mo,” sabi ng PANGINOON. Maraming bansa ang sasama sa PANGINOON sa araw na iyon, at magiging aking bayan; ako'y maninirahan sa gitna mo at iyong malalaman na ang PANGINOON ng mga hukbo ang siyang nagsugo sa akin sa iyo. Mamanahin ng PANGINOON ang Juda bilang bahagi niya sa banal na lupain at muling pipiliin ang Jerusalem. Tumahimik kayong lahat ng tao sa harapan ng PANGINOON, sapagkat siya'y bumangon na mula sa kanyang banal na tahanan.