Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ZACARIAS 2

2
Ang Pangitain tungkol sa Pising Panukat
1Tumingin ako sa itaas at nakita ko at narito, ang isang lalaki na may panukat na pisi sa kanyang kamay.
2Nang magkagayo'y sinabi ko, “Saan ka pupunta?” Sinabi niya sa akin, “Upang sukatin ang Jerusalem, upang tingnan kung ano ang luwang at haba nito.”
3At narito, ang anghel na nakipag-usap sa akin ay umalis, at isa pang anghel ang dumating upang salubungin siya.
4Sinabi sa kanya, “Tumakbo ka, sabihin mo sa binatang ito, ‘Ang Jerusalem ay titirhan na parang mga nayon na walang mga pader, dahil sa dami ng mga tao at hayop doon.
5Sapagkat ako ay magiging sa kanya'y isang pader na apoy sa palibot, sabi ng Panginoon, at ako'y magiging kaluwalhatian sa gitna niya.’”
Ang mga Bihag ay Tinawagan upang Umuwi na
6“Hoy! Hoy! Tumakas kayo mula sa lupain ng hilaga, sapagkat ikinalat ko kayo na gaya ng apat na hangin ng kalangitan,” sabi ng Panginoon.
7Hoy! Tumakas ka na Zion, ikaw na naninirahang kasama ng anak na babae ng Babilonia.
8Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, pagkatapos na suguin ako ng kanyang kaluwalhatian sa mga bansa na nanamsam sa inyo: Tunay na ang sumaling sa inyo ay sumasaling sa itim ng kanyang mata.
9“Sapagkat narito, iwawagayway ko ang aking kamay sa kanila, at sila'y magiging samsam sa mga naglilingkod sa kanila. Inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang nagsugo sa akin.
10Umawit ka at magalak, O anak na babae ng Zion, sapagkat narito, ako'y dumarating at ako'y maninirahan sa gitna mo,” sabi ng Panginoon.
11Maraming bansa ang sasama sa Panginoon sa araw na iyon, at magiging aking bayan; ako'y maninirahan sa gitna mo at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang siyang nagsugo sa akin sa iyo.
12Mamanahin ng Panginoon ang Juda bilang bahagi niya sa banal na lupain at muling pipiliin ang Jerusalem.
13Tumahimik kayong lahat ng tao sa harapan ng Panginoon, sapagkat siya'y bumangon na mula sa kanyang banal na tahanan.

Kasalukuyang Napili:

ZACARIAS 2: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in