Ang tinig ng aking giliw! Narito, siya'y dumarating, palukso-lukso sa mga bundok, palundag-lundag sa mga burol. Ang aking sinta ay gaya ng usa o ng batang usa. Tingnan mo, siya'y nakatayo sa likod ng aming bakod, sa mga bintana'y sumisilip, sa mga durungawa'y nagmamasid. Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin, “Bumangon ka, maganda kong sinta, at tayo'y umalis; Sapagkat, ang taglamig ay lumipas na; ang ulan ay tapos na at wala na. Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa; ang panahon ng pag-aawitan ay dumating, at ang tinig ng batu-bato ay naririnig sa ating lupain. Lumalabas na ang mga bunga ng puno ng igos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak, ang kanilang bango'y humahalimuyak. Bumangon ka, maganda kong sinta, at tayo'y umalis. O kalapati ko, na nasa mga bitak ng bato, sa puwang ng bangin, ipakita mo sa akin ang iyong mukha, iparinig mo sa akin ang iyong tinig; sapagkat matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kaibig-ibig.
Basahin ANG AWIT NG MGA AWIT 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: ANG AWIT NG MGA AWIT 2:8-14
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas