Ang Awit ni Solomon 2:8-14
Ang Awit ni Solomon 2:8-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang tinig ng aking mahal ay akin nang naririnig, mga gulod, tinatahak upang ako'y makaniig. Itong aking mangingibig ay tulad ng isang usa, mabilis kung kumilos, ang katawan ay masigla. Sa tabi ng aming pader, naroroon lagi siya, sumisilip sa bintana upang ako ay makita. Ang mahal ko ay nangusap at ganito ang sinabi: Sa akin ay sumama ka, halika na, aking mahal. Lumipas na ang taglamig sa buong lupain at ang tag-ulan ay natapos na rin. Bulaklak sa kaparangan tingna't namumukadkad, ito na nga ang panahon upang tayo ay magsaya, sa bukid, ang mga ibo'y masayang umaawit. Ang mga puno ng igos, hinog na ang bunga, at ang mga punong ubas, sa bulaklak ay hitik na. Tayo na nga aking mahal, sa akin ay sumama ka. Ika'y parang kalapati, nagkukubli sa batuhan, halika at ang ganda mo ay nais kong mapagmasdan, at nang akin ding marinig ang tinig mong ginintuan.
Ang Awit ni Solomon 2:8-14 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ayan na! Naririnig ko nang paparating ang aking mahal. Dumarating siyang patalon-talon na parang usa sa mga bundok at burol. Tingnan ninyo, nariyan na siya na nakatayo sa may pader, at sa bintana akoʼy sinisilip. Sinabi niya sa akin, “Halika na irog kong maganda at sa akin ay sumama ka. Tapos na ang panahon ng taglamig at tag-ulan. Namumukadkad na ang mga bulaklak sa parang, panahon na ng pag-aawitan at maririnig na rin ang huni ng mga kalapati sa kabukiran. Ang mga bunga ng igos ay hinog na at humahalimuyak ang bulaklak ng mga ubas. Halika na irog kong maganda, sa akin ay sumama ka na.” Katulad moʼy kalapating nagtatago sa bitak ng malaking bato. Ipakita mo sa akin ang magandang mukha mo at iparinig din ang maamo mong tinig.
Ang Awit ni Solomon 2:8-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang tinig ng aking sinta! narito, siya'y dumarating, Na lumulukso sa mga bundok, Lumulundag sa mga burol. Ang aking sinta ay gaya ng usa o ng batang usa: Narito, siya'y tumatayo sa likod ng ating bakod, Siya'y sumusungaw sa mga dungawan, Siya'y napakikita sa mga silahia. Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin, Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na. Sapagka't narito, ang tagginaw ay nakaraan; Ang ulan ay lumagpas at wala na; Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa; Ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating, At ang tinig ng batobato ay naririnig sa ating lupain; Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos, At ang mga puno ng ubas ay namumulaklak, Kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango. Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na. Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato, Sa puwang ng matarik na dako, Ipakita mo sa akin ang iyong mukha, Iparinig mo sa akin ang iyong tinig; Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina.
Ang Awit ni Solomon 2:8-14 Ang Biblia (TLAB)
Ang tinig ng aking sinta! narito, siya'y dumarating, na lumulukso sa mga bundok, lumulundag sa mga burol. Ang aking sinta ay gaya ng usa o ng batang usa: narito, siya'y tumatayo sa likod ng ating bakod, siya'y sumusungaw sa mga dungawan, siya'y napakikita sa mga silahia. Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin, Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na. Sapagka't narito, ang tagginaw ay nakaraan; ang ulan ay lumagpas at wala na; Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa; ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating, at ang tinig ng batobato ay naririnig sa ating lupain; Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak, kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango. Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na. Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato, sa puwang ng matarik na dako, ipakita mo sa akin ang iyong mukha, iparinig mo sa akin ang iyong tinig; Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina.
Ang Awit ni Solomon 2:8-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)