Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

APOCALIPSIS 5:6-10

APOCALIPSIS 5:6-10 ABTAG01

Pagkatapos ay nakita ko sa gitna ng trono at ng apat na nilalang na buháy at sa gitna ng matatanda ang isang Korderong nakatayo, na tulad sa isang pinaslang, na may pitong sungay at pitong mata na siyang pitong Espiritu ng Diyos, na sinugo sa buong daigdig. Siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay ng nakaluklok sa trono. Pagkakuha niya sa aklat, ang apat na nilalang na buháy at ang dalawampu't apat na matatanda ay nagpatirapa sa harapan ng Kordero, na ang bawat isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na punô ng insenso, na siyang mga panalangin ng mga banal. At sila'y nag-aawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, “Ikaw ay karapat-dapat na kumuha sa aklat at magbukas ng mga tatak nito, sapagkat ikaw ay pinatay, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay binili mo para sa Diyos ang mga tao mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa. At sila'y iyong ginawang isang kaharian at mga pari para sa aming Diyos; at sila'y maghahari sa ibabaw ng lupa.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa APOCALIPSIS 5:6-10

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya