Pahayag 5:6-10
Pahayag 5:6-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagkatapos, nakita ko sa pagitan ng mga pinuno at ng tronong napapaligiran ng apat na buháy na nilalang ang isang Korderong nakatayo na parang pinatay na. Ito'y may pitong sungay at pitong mata na siyang pitong espiritu ng Diyos na ipinadala sa buong sanlibutan. Lumapit ang Kordero at kinuha ang kasulatan sa kanang kamay ng nakaupo sa trono. Nang ito'y kunin niya, nagpatirapa sa harapan ng Kordero ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampu't apat na pinuno. Bawat isa'y may hawak na alpa at may gintong mangkok na puno ng insenso na siyang mga panalangin ng mga banal. Inaawit nila ang isang bagong awit: “Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa kasulatan at sumira sa mga selyo niyon. Sapagkat pinatay ka, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay tinubos mo ang mga tao para sa Diyos, mula sa bawat lahi, wika, bayan at bansa. Ginawa mo silang isang lahing maharlika at mga pari na itinalaga upang maglingkod sa ating Diyos; at sila'y maghahari sa lupa.”
Pahayag 5:6-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkatapos, nakita ko ang isang Tupa na mukhang pinatay, pero nakatayo na sa pagitan ng mga namumuno at ng tronong napapaligiran ng apat na buhay na nilalang. Mayroon itong pitong sungay at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios na isinugo sa lahat ng lugar sa mundo. Lumapit ang Tupa sa trono at kinuha niya ang kasulatan sa kanang kamay ng nakaupo roon. Nang kunin niya iyon, lumuhod sa harap ng Tupa ang apat na buhay na nilalang at ang 24 na namumuno at sumamba sa kanya. Ang bawat isa sa kanila ay may hawak na gintong sisidlan na puno ng insenso, na siyang panalangin ng mga pinabanal. May alpa rin silang tinutugtog, at umaawit sila ng bagong awit na ito: “Kayo po ang karapat-dapat na kumuha ng kasulatan at magtanggal ng mga selyo nito, dahil kayo ay pinatay, at sa pamamagitan ng inyong dugo ay tinubos nʼyo ang mga tao para sa Dios. Ang mga taong ito ay mula sa bawat angkan, wika, lahi, at bansa. Ginawa nʼyo silang mga hari at mga pari upang maglingkod sa ating Dios. At maghahari sila sa mundo.”
Pahayag 5:6-10 Ang Biblia (TLAB)
At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng matatanda, ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Dios, na sinugo sa buong lupa. At siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan. At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal. At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa. At sila'y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.
Pahayag 5:6-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pagkatapos, nakita ko sa pagitan ng mga pinuno at ng tronong napapaligiran ng apat na buháy na nilalang ang isang Korderong nakatayo na parang pinatay na. Ito'y may pitong sungay at pitong mata na siyang pitong espiritu ng Diyos na ipinadala sa buong sanlibutan. Lumapit ang Kordero at kinuha ang kasulatan sa kanang kamay ng nakaupo sa trono. Nang ito'y kunin niya, nagpatirapa sa harapan ng Kordero ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampu't apat na pinuno. Bawat isa'y may hawak na alpa at may gintong mangkok na puno ng insenso na siyang mga panalangin ng mga banal. Inaawit nila ang isang bagong awit: “Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa kasulatan at sumira sa mga selyo niyon. Sapagkat pinatay ka, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay tinubos mo ang mga tao para sa Diyos, mula sa bawat lahi, wika, bayan at bansa. Ginawa mo silang isang lahing maharlika at mga pari na itinalaga upang maglingkod sa ating Diyos; at sila'y maghahari sa lupa.”
Pahayag 5:6-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)