O umawit sa PANGINOON ng bagong awit; umawit sa PANGINOON ang buong lupa. Umawit kayo sa PANGINOON, purihin ninyo ang pangalan niya; ipahayag ninyo ang kanyang pagliligtas sa araw-araw. Ipahayag ninyo sa mga bansa ang kanyang kaluwalhatian, ang kagila-gilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan! Sapagkat dakila ang PANGINOON, at karapat-dapat na purihin; siya'y dapat katakutan nang higit kaysa lahat na diyos. Sapagkat lahat ng mga diyos sa mga bayan ay mga diyus-diyosan, ngunit ang PANGINOON ang lumikha ng mga kalangitan. Nasa harapan niya ang karangalan at kamahalan, nasa kanyang santuwaryo ang lakas at kagandahan. Ibigay ninyo sa PANGINOON, kayong mga angkan ng mga bayan, ibigay ninyo sa PANGINOON ang kaluwalhatian at kalakasan. Ibigay ninyo sa PANGINOON ang kaluwalhatiang nararapat sa kanyang pangalan; magdala ng handog, at pumasok kayo sa kanyang mga bulwagan! Sambahin ninyo ang PANGINOON sa kagandahan ng kabanalan, manginig kayong buong lupa sa kanyang harapan!
Basahin MGA AWIT 96
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 96:1-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas