Mga Awit 96:1-9
Mga Awit 96:1-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo ng mga bagong awit sa PANGINOON! Awitan ninyo ang PANGINOON at purihin ang kanyang pangalan. Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagligtas niya sa atin. Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at mga kahanga-hangang gawa. Dahil dakila ang PANGINOON, at karapat-dapat papurihan. Dapat siyang igalang ng higit sa lahat ng mga dios, dahil ang lahat ng dios ng ibang mga bansa ay hindi tunay na mga dios. Ang PANGINOON ang lumikha ng langit. Nasa kanya ang kapangyarihan at karangalan; at nasa templo niya ang kalakasan at kagandahan. Purihin ninyo ang PANGINOON, kayong lahat ng tao sa mundo. Purihin ninyo ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan. Ibigay ninyo sa PANGINOON ang mga papuring nararapat sa kanya. Magdala kayo ng mga handog at pumunta sa templo. Sambahin ninyo ang kabanalan ng PANGINOON. Matakot kayo sa kanya, kayong lahat ng nasa sanlibutan.
Mga Awit 96:1-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Purihin natin si Yahweh, awitan ng bagong awit; purihin natin si Yahweh, lahat nang nasa daigdig! Awitan natin si Yahweh, ngalan niya ay sambahin; araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin. Kahit saa'y ipahayag na si Yahweh ay dakila, sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa. Si Yahweh ay tunay na dakila, marapat na papurihan higit sa sinumang diyos, siya'y dapat na igalang. Ang diyos ng sanlibuta'y pawang mga diyus-diyosan; si Yahweh lang ang maylikha ng buong sangkalangitan. Siya'y puspos ng karangalan at ng kaluwalhatian; ang lakas niya't kagandahan ay sa templo mamamasdan. O si Yahweh ay purihin ng lahat sa daigdigan! Purihin ang lakas niya at kanyang kaluwalhatian! Ang pagpuri ay iukol sa pangalan niyang banal, dumulog sa kanyang templo't maghandog ng mga alay. Kung si Yahweh ay dumating, sa likas niyang kabanalan, humarap na nanginginig ang lahat sa sanlibutan.
Mga Awit 96:1-9 Ang Biblia (TLAB)
Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit: magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa. Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya; ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw. Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan. Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin: siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios. Sapagka't lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan. Nguni't nilikha ng Panginoon ang langit. Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya: kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario. Magbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan, magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan. Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan; kayo'y mangagdala ng handog, at magsipasok kayo sa kaniyang mga looban. Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan: manginig kayo sa harap niya, buong lupa.
Mga Awit 96:1-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin natin si Yahweh, awitan ng bagong awit; purihin natin si Yahweh, lahat nang nasa daigdig! Awitan natin si Yahweh, ngalan niya ay sambahin; araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin. Kahit saa'y ipahayag na si Yahweh ay dakila, sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa. Si Yahweh ay tunay na dakila, marapat na papurihan higit sa sinumang diyos, siya'y dapat na igalang. Ang diyos ng sanlibuta'y pawang mga diyus-diyosan; si Yahweh lang ang maylikha ng buong sangkalangitan. Siya'y puspos ng karangalan at ng kaluwalhatian; ang lakas niya't kagandahan ay sa templo mamamasdan. O si Yahweh ay purihin ng lahat sa daigdigan! Purihin ang lakas niya at kanyang kaluwalhatian! Ang pagpuri ay iukol sa pangalan niyang banal, dumulog sa kanyang templo't maghandog ng mga alay. Kung si Yahweh ay dumating, sa likas niyang kabanalan, humarap na nanginginig ang lahat sa sanlibutan.
Mga Awit 96:1-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit: Magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa. Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya; Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw. Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa Ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihin: Siya'y kinatatakutang higit kay sa lahat na dios. Sapagka't lahat ng mga dios sa mga bayan ay mga diosdiosan. Nguni't nilikha ng Panginoon ang langit. Karangalan at kamahalan ay nasa harap niya: Kalakasan at kagandahan ay nasa kaniyang santuario. Magbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan, Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan. Magbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kaniyang pangalan; Kayo'y mangagdala ng handog, at magsipasok kayo sa kaniyang mga looban. Oh sambahin ninyo ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan: Manginig kayo sa harap niya, buong lupa.