Sino ang babangon para sa akin laban sa masama? Sinong tatayo para sa akin laban sa mga gumagawa ng kasamaan? Kung ang PANGINOON ay hindi ko naging saklolo, ang kaluluwa ko'y maninirahan na sana sa lupain ng katahimikan. Nang aking sabihin, “Ang aking paa ay dumulas,” O PANGINOON, aalalayan mo ako ng iyong pag-ibig na wagas. Kapag sa aking puso ay maraming pag-aalaala, ang iyong mga pag-aliw ay nagpapasaya sa aking kaluluwa. Makakasanib ba sa iyo ang trono ng kasamaan, silang bumabalangkas ng masama sa pamamagitan ng batas? Sila'y nagsasama-sama laban sa buhay ng matuwid, at hinahatulan ng kamatayan ang walang sala. Ngunit ang PANGINOON ay naging aking muog; at ang Diyos ko'y malaking bato na aking kanlungan. At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan, at papawiin sila dahil sa kanilang kasamaan; papawiin sila ng PANGINOON naming Diyos.
Basahin MGA AWIT 94
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 94:16-23
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas