Mga Awit 94:16-23
Mga Awit 94:16-23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sino kaya'ng kakampi ko sa pagbaka sa masama? Sino ngayon ang babaka sa masama nilang gawa? O Yahweh, kung ako nga ay hindi mo tinulungan, akin sanang kaluluwa'y naroon na sa libingan. Kapag aking nagunitang, “Ang paa ko'y dumudulas,” dahilan sa pag-ibig mo, O Yahweh, ako'y tumatatag. Kapag ako ay ginugulo ng maraming suliranin, ang wagas na pag-ibig mo ang umaaliw sa akin. Sa iyo ba ay papanig mga hukom na masama, na ang laging kapasyaha'y ang hatol na hindi tama? Sama-sama silang lagi't ang matuwid ang kalaban, ang hatol sa walang sala ay hatol na kamatayan. Ngunit ikaw, O Yahweh, ang sa aki'y nagtatanggol. Ikaw na aking Diyos ang matibay na kanlungan. Sa masamang gawa nila ay Diyos ang gaganti, lilipulin niyang lahat, pagkat sila'y di mabuti; ang wawasak sa kanila ay ang Diyos na si Yahweh.
Mga Awit 94:16-23 Ang Salita ng Dios (ASND)
Walang tumutulong sa akin laban sa mga taong gumagawa ng kasamaan kundi kayo lang, PANGINOON. Kung hindi nʼyo ako tinulungan PANGINOON, maaaring patay na ako ngayon. Nang sabihin kong parang mamamatay na ako, ang inyong pag-ibig at awa PANGINOON ang tumulong sa akin. Kapag gulong-gulo ang isip ko, inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya. Hindi kayo maaaring pumanig sa masasamang hukom na gumagawa ng kasamaan sa pamamagitan ng kautusan. Sama-sama silang kumakalaban sa matutuwid at hinahatulan nila ng kamatayan ang walang kasalanan. Ngunit kayo, PANGINOON na aking Dios ay aking tagapagtanggol at batong kanlungan. Parurusahan nʼyo sila dahil sa kanilang mga kasalanan. Tiyak na lilipulin nʼyo sila, O PANGINOON naming Dios.
Mga Awit 94:16-23 Ang Biblia (TLAB)
Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong, ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan. Nang aking sabihin, Ang aking paa ay natitisod; inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon. Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa. Makikisama ba sa iyo ang luklukan ng kasamaan, na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan? Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid, at pinarusahan nila ang walang salang dugo. Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog; at ang Dios ko'y malaking bato na aking kanlungan. At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan, at ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling kasamaan; ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios.
Mga Awit 94:16-23 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sino kaya'ng kakampi ko sa pagbaka sa masama? Sino ngayon ang babaka sa masama nilang gawa? O Yahweh, kung ako nga ay hindi mo tinulungan, akin sanang kaluluwa'y naroon na sa libingan. Kapag aking nagunitang, “Ang paa ko'y dumudulas,” dahilan sa pag-ibig mo, O Yahweh, ako'y tumatatag. Kapag ako ay ginugulo ng maraming suliranin, ang wagas na pag-ibig mo ang umaaliw sa akin. Sa iyo ba ay papanig mga hukom na masama, na ang laging kapasyaha'y ang hatol na hindi tama? Sama-sama silang lagi't ang matuwid ang kalaban, ang hatol sa walang sala ay hatol na kamatayan. Ngunit ikaw, O Yahweh, ang sa aki'y nagtatanggol. Ikaw na aking Diyos ang matibay na kanlungan. Sa masamang gawa nila ay Diyos ang gaganti, lilipulin niyang lahat, pagkat sila'y di mabuti; ang wawasak sa kanila ay ang Diyos na si Yahweh.
Mga Awit 94:16-23 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong, Ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan. Nang aking sabihin, Ang aking paa ay natitisod; Inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon. Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko Ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa. Makikisama ba sa iyo ang luklukan ng kasamaan, Na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan? Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid, At pinarusahan nila ang walang salang dugo. Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog; At ang Dios ko'y malaking bato na aking kanlungan. At dinala niya sa kanila ang kanilang sariling kasamaan, At ihihiwalay niya sila sa kanilang sariling kasamaan; Ihihiwalay sila ng Panginoon naming Dios.