Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 94:12-22

MGA AWIT 94:12-22 ABTAG01

O PANGINOON, mapalad ang tao na iyong sinusupil, at tinuturuan ng iyong kautusan, upang mabigyan siya ng kapahingahan mula sa mga araw ng kaguluhan, hanggang ang hukay para sa masama ay maihanda. Sapagkat hindi itatakuwil ng PANGINOON ang bayan niya, hindi niya iiwan ang kanyang mana; sapagkat ang katarungan ay babalik sa katuwiran, at ito ay susundin ng lahat ng may matuwid na puso. Sino ang babangon para sa akin laban sa masama? Sinong tatayo para sa akin laban sa mga gumagawa ng kasamaan? Kung ang PANGINOON ay hindi ko naging saklolo, ang kaluluwa ko'y maninirahan na sana sa lupain ng katahimikan. Nang aking sabihin, “Ang aking paa ay dumulas,” O PANGINOON, aalalayan mo ako ng iyong pag-ibig na wagas. Kapag sa aking puso ay maraming pag-aalaala, ang iyong mga pag-aliw ay nagpapasaya sa aking kaluluwa. Makakasanib ba sa iyo ang trono ng kasamaan, silang bumabalangkas ng masama sa pamamagitan ng batas? Sila'y nagsasama-sama laban sa buhay ng matuwid, at hinahatulan ng kamatayan ang walang sala. Ngunit ang PANGINOON ay naging aking muog; at ang Diyos ko'y malaking bato na aking kanlungan.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya