Mga Awit 94:12-22
Mga Awit 94:12-22 Ang Salita ng Dios (ASND)
O PANGINOON, mapalad ang taong pinangangaralan nʼyo sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanya ng inyong mga kautusan. Tinuturuan nʼyo siya upang magkaroon siya ng kapayapaan sa oras ng kaguluhan hanggang sa oras na ang masasama ay inyong parusahan. Dahil hindi nʼyo itatakwil, PANGINOON, ang mamamayang pag-aari ninyo. Darating ang araw na ang paghatol ay muling magiging makatarungan at itoʼy susundin ng lahat ng namumuhay nang matuwid. Walang tumutulong sa akin laban sa mga taong gumagawa ng kasamaan kundi kayo lang, PANGINOON. Kung hindi nʼyo ako tinulungan PANGINOON, maaaring patay na ako ngayon. Nang sabihin kong parang mamamatay na ako, ang inyong pag-ibig at awa PANGINOON ang tumulong sa akin. Kapag gulong-gulo ang isip ko, inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya. Hindi kayo maaaring pumanig sa masasamang hukom na gumagawa ng kasamaan sa pamamagitan ng kautusan. Sama-sama silang kumakalaban sa matutuwid at hinahatulan nila ng kamatayan ang walang kasalanan. Ngunit kayo, PANGINOON na aking Dios ay aking tagapagtanggol at batong kanlungan.
Mga Awit 94:12-22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon, At tinuturuan mo sa iyong kautusan. Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan, Hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama. Sapagka't hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan, Ni pababayaan man niya ang kaniyang mana. Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran: At susundan ng lahat na matuwid sa puso. Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong, Ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan. Nang aking sabihin, Ang aking paa ay natitisod; Inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon. Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko Ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa. Makikisama ba sa iyo ang luklukan ng kasamaan, Na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan? Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid, At pinarusahan nila ang walang salang dugo. Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog; At ang Dios ko'y malaking bato na aking kanlungan.
Mga Awit 94:12-22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mapalad ang mga taong tumatanggap ng pangaral, silang sa iyo'y tumatanggap ng turo sa kautusan. Pagkat sila'y magdaranas ng kapahingahan, hanggang yaong masasama'y mahulog sa kanilang hukay. Mga lingkod ni Yahweh ay hindi niya iiwanan, itong mga hirang niya'y hindi niya tatalikdan; mababalik sa matuwid ang ganap na katarungan, diwang ito ang susundin ng tapat ang pamumuhay. Sino kaya'ng kakampi ko sa pagbaka sa masama? Sino ngayon ang babaka sa masama nilang gawa? O Yahweh, kung ako nga ay hindi mo tinulungan, akin sanang kaluluwa'y naroon na sa libingan. Kapag aking nagunitang, “Ang paa ko'y dumudulas,” dahilan sa pag-ibig mo, O Yahweh, ako'y tumatatag. Kapag ako ay ginugulo ng maraming suliranin, ang wagas na pag-ibig mo ang umaaliw sa akin. Sa iyo ba ay papanig mga hukom na masama, na ang laging kapasyaha'y ang hatol na hindi tama? Sama-sama silang lagi't ang matuwid ang kalaban, ang hatol sa walang sala ay hatol na kamatayan. Ngunit ikaw, O Yahweh, ang sa aki'y nagtatanggol. Ikaw na aking Diyos ang matibay na kanlungan.
Mga Awit 94:12-22 Ang Biblia (TLAB)
Mapalad ang tao na iyong pinarurusahan, Oh Panginoon, at tinuturuan mo sa iyong kautusan. Upang iyong mabigyan ng kapahingahan sa mga kaarawan ng kasakunaan, hanggang sa mahukay ang hukay na ukol sa masama. Sapagka't hindi itatakuwil ng Panginoon ang kaniyang bayan, ni pababayaan man niya ang kaniyang mana. Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran: at susundan ng lahat na matuwid sa puso. Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong, ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan. Nang aking sabihin, Ang aking paa ay natitisod; inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon. Sa karamihan ng aking mga pagiisip sa loob ko ang iyong mga pagaliw ay nagbibigay lugod sa aking kaluluwa. Makikisama ba sa iyo ang luklukan ng kasamaan, na nagaanyo ng pagapi sa pamamagitan ng palatuntunan? Sila'y nagpipisan laban sa kaluluwa ng matuwid, at pinarusahan nila ang walang salang dugo. Nguni't ang Panginoon ay naging aking matayog na moog; at ang Dios ko'y malaking bato na aking kanlungan.
Mga Awit 94:12-22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)