Walang gaya mo sa gitna ng mga diyos, O Panginoon; ni mayroong anumang mga gawang gaya ng sa iyo. Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay darating at sasamba sa harapan mo, O Panginoon; at ang iyong pangalan ay kanilang luluwalhatiin. Sapagkat ikaw ay dakila at gumagawa ng kahanga-hangang mga bagay, ikaw lamang ang Diyos. O PANGINOON, ituro mo sa akin ang iyong daan, upang makalakad ako sa iyong katotohanan; ilakip mo ang aking puso upang matakot sa iyong pangalan. Nagpapasalamat ako sa inyo ng buong puso, O Panginoon kong Diyos, at luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailanman. Sapagkat dakila ang iyong tapat na pagsinta sa akin; sa kalaliman ng Sheol ay iniligtas mo ang aking kaluluwa.
Basahin MGA AWIT 86
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 86:8-13
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas