Walang dios na katulad nʼyo, Panginoon; walang sinumang makakagawa ng mga ginawa ninyo. Ang lahat ng bansa na ginawa nʼyo ay lalapit at sasamba sa inyo. Pupurihin nila ang inyong pangalan, dahil makapangyarihan kayo at ang mga gawa nʼyo ay kahanga-hanga. Kayo ang nag-iisang Dios. PANGINOON, ituro nʼyo sa akin ang inyong pamamaraan, at susundin ko ito nang may katapatan. Bigyan nʼyo ako ng pusong may takot sa inyo. Panginoon kong Dios, buong puso ko kayong pasasalamatan. Pupurihin ko ang inyong pangalan magpakailanman, dahil ang pag-ibig nʼyo sa akin ay dakila. Iniligtas nʼyo ako sa kamatayan.
Basahin Salmo 86
Makinig sa Salmo 86
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Salmo 86:8-13
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas