Mga Awit 86:8-13
Mga Awit 86:8-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, Oh Panginoon; Wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa. Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon; At kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan. Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay: Ikaw na magisa ang Dios. Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; lalakad ako sa iyong katotohanan: Ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan. Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso; At luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man. Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin; At iyong iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.
Mga Awit 86:8-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa sinumang diyos wala kang kawangis, sa iyong gawai'y walang makaparis. Ang lahat ng bansa na iyong nilalang, lalapit sa iyo't magbibigay galang; sila'y magpupuri sa iyong pangalan. Pagkat ikaw lamang ang Diyos na dakila na anumang gawin ay kahanga-hanga! Ang kalooban mo'y ituro sa akin, at tapat ang puso ko na ito'y susundin; turuang maglingkod nang buong taimtim. O Panginoong Diyos, buong puso'y laan, pupurihin kita magpakailanman at ihahayag ko, iyong kadakilaan. O pagkadakila! Pag-ibig mong wagas, dahil sa pag-ibig, ako'y iniligtas; di hinayaang masadlak sa daigdig ng mga patay.
Mga Awit 86:8-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Walang dios na katulad nʼyo, Panginoon; walang sinumang makakagawa ng mga ginawa ninyo. Ang lahat ng bansa na ginawa nʼyo ay lalapit at sasamba sa inyo. Pupurihin nila ang inyong pangalan, dahil makapangyarihan kayo at ang mga gawa nʼyo ay kahanga-hanga. Kayo ang nag-iisang Dios. PANGINOON, ituro nʼyo sa akin ang inyong pamamaraan, at susundin ko ito nang may katapatan. Bigyan nʼyo ako ng pusong may takot sa inyo. Panginoon kong Dios, buong puso ko kayong pasasalamatan. Pupurihin ko ang inyong pangalan magpakailanman, dahil ang pag-ibig nʼyo sa akin ay dakila. Iniligtas nʼyo ako sa kamatayan.
Mga Awit 86:8-13 Ang Biblia (TLAB)
Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, Oh Panginoon; wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa. Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon; at kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan. Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay: ikaw na magisa ang Dios. Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; lalakad ako sa iyong katotohanan: ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan. Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso; at luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man. Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin; at iyong iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.
Mga Awit 86:8-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)