Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 77:9-13

MGA AWIT 77:9-13 ABTAG01

Nakalimot na ba ang Diyos na maging mapagbiyaya? Sa kanya bang galit ay isinara niya ang kanyang awa? (Selah) At aking sinabi, “Ipinaghihinagpis ko na ang kanang kamay ng Kataas-taasan ay nagbago.” Aking gugunitain ang mga gawa ng PANGINOON; oo, aking aalalahanin ang mga kahanga-hangang gawa mo noong unang panahon. Ako'y magbubulay-bulay sa lahat mong mga gawa, at magmumuni tungkol sa iyong mga gawa. Ang iyong daan, O Diyos, ay banal. Sinong diyos ang dakila na gaya ng aming Diyos?