Mga Awit 77:9-13
Mga Awit 77:9-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Yaong kagandahang-loob mo ba ay nakalimutan mo na? Dahilan sa iyong galit, ang awa mo'y wala na ba?” (Selah) Ganito ang aking sabi: “Ang sakit ng aking loob, para bagang mahina na't walang lakas ang aking Diyos.” Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa, ang maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga. Sa lahat ng ginawa mo, ako'y magbubulay-bulay, magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan. Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal, at wala nang ibang diyos na sa iyo'y ipapantay.
Mga Awit 77:9-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nakalimutan na ba niyang maging maawain? Dahil ba sa kanyang galit kaya nawala na ang kanyang habag?” At sinabi ko, “Ang pinakamasakit para sa akin ay ang malamang hindi na tumutulong ang Kataas-taasang Dios.” PANGINOON, aalalahanin ko ang inyong mga gawa. Gugunitain ko ang mga himalang ginawa nʼyo noon. Iisipin ko at pagbubulay-bulayan ang lahat ng inyong mga dakilang gawa. O Dios, ibang-iba ang inyong mga pamamaraan. Wala nang ibang Dios na kasindakila ninyo.
Mga Awit 77:9-13 Ang Biblia (TLAB)
Nakalimot na ba ang Dios na magmaawain? Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah) At aking sinabi, Ito ang sakit ko; nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan. Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon; sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una. Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa, at magmumuni tungkol sa iyong mga gawa. Ang iyong daan, Oh Dios, ay nasa santuario: sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?
Mga Awit 77:9-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Yaong kagandahang-loob mo ba ay nakalimutan mo na? Dahilan sa iyong galit, ang awa mo'y wala na ba?” (Selah) Ganito ang aking sabi: “Ang sakit ng aking loob, para bagang mahina na't walang lakas ang aking Diyos.” Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa, ang maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga. Sa lahat ng ginawa mo, ako'y magbubulay-bulay, magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan. Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal, at wala nang ibang diyos na sa iyo'y ipapantay.
Mga Awit 77:9-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nakalimot na ba ang Dios na magmaawain? Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah) At aking sinabi, Ito ang sakit ko; Nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan. Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon; Sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una. Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa, At magmumuni tungkol sa iyong mga gawa. Ang iyong daan, Oh Dios, ay nasa santuario: Sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?