Nagsalita ang Diyos sa kanyang santuwaryo, “Ako'y magsasaya, aking hahatiin ang Shekem, at aking susukatin ang Libis ng Sucot. Ang Gilead ay akin, ang Manases ay akin; ang Efraim din ay helmet ng ulo ko, ang Juda ay aking setro. Ang Moab ay aking hugasan; sa Edom ay ihahagis ko ang aking sandalyas; Filistia, dahil sa akin, sumigaw ka ng malakas.” Sinong magdadala sa akin sa lunsod na may kuta? Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom? Hindi mo ba kami tinalikuran, O Diyos? At hindi ka ba hahayo, O Diyos, na kasama ng aming mga hukbo? O pagkalooban mo kami ng tulong laban sa kaaway, sapagkat walang kabuluhan ang tulong ng tao! Kasama ng Diyos ay gagawa kaming may katapangan; sapagkat siya ang tatapak sa aming mga kaaway.
Basahin MGA AWIT 60
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 60:6-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas