Mga Awit 60:6-12
Mga Awit 60:6-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi nga nitong Diyos mula sa dako niyang banal, “Hahatiin ko ang Shekem tanda ng pagtatagumpay; ibibigay ko ang Sucot sa lingkod ko't mga hirang. Ang Gilead at Manases, ang lugar na yao'y akin; ang helmet na gagawin ko ay ang dako ng Efraim; samantalang itong Juda ay setrong dadakilain. Yaong bansa nitong Moab ay gagawin kong hugasan, samantalang itong Edom ay lupa kong tatapakan; at sa Filistia, tagumpay ko'y ipagsisigawan.” Sa lunsod na kinutaan, sino'ng kasama, Panginoon? Sino kayang magdadala sa akin sa lupang Edom? Itinakwil mo ba kami, kami ba ay iniwan na? Paano ang hukbo namin, sino ngayon ang sasama? O Diyos, kami'y tulungan mo, laban sa aming kaaway, pagkat ang tulong ng tao ay wala nang kabuluhan; Kung ang Diyos ang kasama, kasama sa panig namin, matatamo ang tagumpay, ang kaaway tatalunin.
Mga Awit 60:6-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
O Dios, sinabi nʼyo roon sa inyong templo, “Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang kapatagan ng Sucot para ipamigay sa aking mga mamamayan. Sa akin ang Gilead at Manase, ang Efraim ay gagawin kong tanggulan at ang Juda ang aking tagapamahala. Ang Moab ang aking utusan at ang Edom ay sa akin din. Sisigaw ako ng tagumpay laban sa mga Filisteo.” Sinong magdadala sa akin sa Edom at sa bayan nito na napapalibutan ng pader? Sino na ang makakatulong, O Dios, ngayong itinakwil nʼyo na kami? Ni hindi na nga kayo sumasama sa aming mga kawal. Tulungan nʼyo kami laban sa aming mga kaaway, dahil ang tulong ng tao ay walang kabuluhan. Sa tulong nʼyo, O Dios, kami ay magtatagumpay dahil tatalunin nʼyo ang aming mga kaaway.
Mga Awit 60:6-12 Ang Biblia (TLAB)
Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya: aking hahatiin ang Sichem, at aking susukatin ang libis ng Succoth, Galaad ay akin, at Manases ay akin; Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo; Juda ay aking setro. Moab ay aking hugasan; sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak; Filistia, humiyaw ka dahil sa akin. Sinong magdadala sa akin sa matibay na bayan? Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom? Hindi mo ba kami iniwaksi, Oh Dios? At hindi ka lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo. Tulungan mo kami laban sa kaaway; sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao. Sa pamamagitan ng Dios ay gagawa kaming may katapangan: sapagka't siya ang yumayapak sa aming mga kaaway.
Mga Awit 60:6-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi nga nitong Diyos mula sa dako niyang banal, “Hahatiin ko ang Shekem tanda ng pagtatagumpay; ibibigay ko ang Sucot sa lingkod ko't mga hirang. Ang Gilead at Manases, ang lugar na yao'y akin; ang helmet na gagawin ko ay ang dako ng Efraim; samantalang itong Juda ay setrong dadakilain. Yaong bansa nitong Moab ay gagawin kong hugasan, samantalang itong Edom ay lupa kong tatapakan; at sa Filistia, tagumpay ko'y ipagsisigawan.” Sa lunsod na kinutaan, sino'ng kasama, Panginoon? Sino kayang magdadala sa akin sa lupang Edom? Itinakwil mo ba kami, kami ba ay iniwan na? Paano ang hukbo namin, sino ngayon ang sasama? O Diyos, kami'y tulungan mo, laban sa aming kaaway, pagkat ang tulong ng tao ay wala nang kabuluhan; Kung ang Diyos ang kasama, kasama sa panig namin, matatamo ang tagumpay, ang kaaway tatalunin.
Mga Awit 60:6-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya: Aking hahatiin ang Sichem, at aking susukatin ang libis ng Succoth, Galaad ay akin, at Manases ay akin; Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo; Juda ay aking setro. Moab ay aking hugasan; Sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak; Filistia, humiyaw ka dahil sa akin. Sinong magdadala sa akin sa matibay na bayan? Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom? Hindi mo ba kami iniwaksi, Oh Dios? At hindi ka lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo. Tulungan mo kami laban sa kaaway; Sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao. Sa pamamagitan ng Dios ay gagawa kaming may katapangan: Sapagka't siya ang yumayapak sa aming mga kaaway.