MGA AWIT 56
56
Sa#1 Sam. 21:13-15 Punong Mang-aawit: ayon sa Ang Kalapati sa Malayong mga Puno ng Roble. Miktam ni David, nang hulihin siya ng mga Filisteo sa Gat.
1Maawa ka sa akin, O Diyos ko, sapagkat niyuyurakan ako ng mga tao;
buong araw na pag-aaway, inaapi niya ako,
2sa buong araw ay niyuyurakan ako ng mga kaaway,
sapagkat marami ang may kapalaluang sa akin ay lumalaban.
3Kapag natatakot ako,
aking inilalagak ang tiwala ko sa iyo.
4Sa Diyos na pinupuri ko ang salita,
sa Diyos ay inilagay ko ang aking tiwala,
ang laman sa akin ay ano ang magagawa?
5Buong araw ay sinisikap nilang saktan ang aking kalagayan;
lahat ng kanilang mga pag-iisip ay laban sa aking ikasasama.
6Sila'y nagsama-sama, sila'y nagsisipagkubli,
binabantayan nila ang aking mga hakbang,
gaya ng kanilang pag-aabang sa aking buhay.
7Kaya't gantihan mo sila sa kanilang kasamaan;
sa galit ay ilugmok mo, O Diyos, ang mga bayan!
8Iyong ibinilang ang aking mga paglalakbay,
ilagay mo ang aking mga luha sa botelya mo!
Wala ba sila sa aklat mo?
9Kung magkagayo'y tatalikod ang aking mga kaaway
sa araw na ako'y tumawag.
Ito'y nalalaman ko, sapagkat ang Diyos ay kakampi ko.
10Sa Diyos, na ang mga salita ay aking pinupuri,
sa Panginoon, na ang mga salita ay aking pinupuri,
11sa Diyos ay walang takot na nagtitiwala ako.
Anong magagawa sa akin ng tao?
12Ang iyong mga panata ay sa akin, O Diyos,
ako'y mag-aalay ng mga handog ng pasasalamat sa iyo.
13Sapagkat iniligtas mo sa kamatayan ang aking kaluluwa,
at sa pagkahulog ang aking mga paa,
upang ako'y makalakad sa harapan ng Diyos
sa liwanag ng buhay.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 56: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001