Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 57

57
Sa#1 Sam. 22:1; 24:3 Punong Mang-aawit: ayon sa Huwag Wawasakin. Miktam ni David, nang siya ay tumakas kay Saul sa kuweba.
1Maawa ka sa akin, O Diyos, sa akin ay maawa ka,
sapagkat nanganganlong sa iyo ang aking kaluluwa,
sa lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako,
hanggang sa makaraan ang mga pagkawasak na ito.
2Sa Diyos na Kataas-taasan ako'y dumaraing,
sa Diyos na nagsasagawa ng lahat na mga bagay sa akin.
3Siya'y magsusugo mula sa langit at ako'y ililigtas
ilalagay niya sa kahihiyan ang sa akin ay yumuyurak, (Selah)
Susuguin ng Diyos ang kanyang pag-ibig na tapat at ang kanyang katapatan!
4Ang aking kaluluwa ay nasa gitna ng mga leon,
ako'y nahihiga sa gitna ng mga taong bumubuga ng apoy,
sa mga anak ng tao na ang mga ngipin ay sibat at mga pana,
at matalas na mga tabak ang kanilang dila.
5Mabunyi ka, O Diyos, sa itaas ng mga langit, ikaw naging dakila!
Ang iyong kaluwalhatian nawa'y mapasa buong lupa!
6Naglagay sila ng silo para sa aking mga hakbang;
ang aking kaluluwa ay nakayuko.
Sila'y gumawa ng isang hukay sa aking daan,
ngunit sila mismo ang doon ay nabuwal. (Selah)
7Ang aking puso ay tapat, O Diyos,
ang aking puso ay tapat!
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga papuri!
8Gumising ka, aking kaluwalhatian!
Gumising ka, O lira at alpa!
Gigisingin ko ang bukang-liwayway!
9Ako'y magpapasalamat sa iyo, O Panginoon, sa gitna ng mga bayan.
Ako'y aawit sa iyo ng mga papuri sa gitna ng mga bansa.
10Sapagkat ang iyong tapat na pag-ibig ay dakila hanggang sa mga langit,
ang iyong katapatan hanggang sa mga ulap.
11O Diyos, sa itaas ng kalangitan, ikaw ay maging dakila!
Ang iyong kaluwalhatian nawa'y mapasa buong lupa!

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 57: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya