Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 55:1-7

MGA AWIT 55:1-7 ABTAG01

O Diyos, dalangin ko'y pakinggan mo, at huwag kang magtago sa daing ko! Pansinin mo ako, at sagutin mo ako; ako'y natatalo ng aking pagdaramdam. Ako'y walang katiwasayan sa aking pag-angal at ako'y dumadaing, dahil sa tinig ng kaaway, dahil sa pagmamalupit ng masama. Sapagkat nagdadala sila sa akin ng kaguluhan, at sa galit ay inuusig nila ako. Ang aking puso ay nagdaramdam sa loob ko, ang mga kilabot ng kamatayan ay bumagsak sa akin. Takot at panginginig ay dumating sa akin, at nadaig ako ng pagkatakot. At aking sinabi, “O kung ako sana'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati! Lilipad ako at magpapahinga. Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo, sa ilang ay maninirahan ako. (Selah)