Mga Awit 55:1-7
Mga Awit 55:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang panalangin ko, O Diyos, pakinggan, mga daing ko ay huwag namang layuan. Lingapin mo ako, ako ay sagipin, sa bigat ng aking mga suliranin. Sa maraming banta ng mga kaaway, nalilito ako't hindi mapalagay. Ang dulot sa akin nila'y kaguluhan, namumuhi sila't may galit ngang tunay. Itong aking puso'y tigib na ng lumbay, sa aking takot na ako ay pumanaw. Sa tindi ng takot, ako'y nanginginig, sinasaklot ako ng sindak na labis. Wika ko, “Kung ako lamang ay may pakpak, parang kalapati, ako ay lilipad; hahanapin ko ang dakong panatag. Aking liliparin ang malayong lugar, at doon sa ilang ako mananahan. (Selah)
Mga Awit 55:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
O Dios, dinggin nʼyo ang aking dalangin. Ang paghingi ko ng tulong ay bigyan nʼyo ng pansin. Pakinggan nʼyo ako at sagutin, naguguluhan ako sa aking mga suliranin. Nag-aalala na ako sa pananakot at pang-aapi ng aking mga kaaway. Dahil galit na galit sila, ginugulo nila ako at pinagbabantaan. Kumakabog ang dibdib ko sa takot na akoʼy mamatay. Nanginginig na ako sa sobrang takot. At nasabi ko ito: “Kung may pakpak lang ako tulad ng kalapati, lilipad ako at maghahanap ng mapagpapahingahan. Lilipad ako ng malayo at doon mananahan sa ilang.
Mga Awit 55:1-7 Ang Biblia (TLAB)
Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; at huwag kang magkubli sa aking pananaing. Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako: ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing; Dahil sa tinig ng kaaway, dahil sa pagpighati ng masama; sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin, at sa galit ay inuusig nila ako. Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko: at ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin. Katakutan at panginginig ay dumating sa akin, at tinakpan ako ng kakilabutan. At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati! Lilipad nga ako, at magpapahinga. Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo, ako'y titigil sa ilang. (Selah)
Mga Awit 55:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang panalangin ko, O Diyos, pakinggan, mga daing ko ay huwag namang layuan. Lingapin mo ako, ako ay sagipin, sa bigat ng aking mga suliranin. Sa maraming banta ng mga kaaway, nalilito ako't hindi mapalagay. Ang dulot sa akin nila'y kaguluhan, namumuhi sila't may galit ngang tunay. Itong aking puso'y tigib na ng lumbay, sa aking takot na ako ay pumanaw. Sa tindi ng takot, ako'y nanginginig, sinasaklot ako ng sindak na labis. Wika ko, “Kung ako lamang ay may pakpak, parang kalapati, ako ay lilipad; hahanapin ko ang dakong panatag. Aking liliparin ang malayong lugar, at doon sa ilang ako mananahan. (Selah)
Mga Awit 55:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; At huwag kang magkubli sa aking pananaing. Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako: Ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing; Dahil sa tinig ng kaaway, Dahil sa pagpighati ng masama; Sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin, At sa galit ay inuusig nila ako. Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko: At ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin. Katakutan at panginginig ay dumating sa akin, At tinakpan ako ng kakilabutan. At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati! Lilipad nga ako, at magpapahinga. Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo, Ako'y titigil sa ilang. (Selah)