Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 4:6-8

MGA AWIT 4:6-8 ABTAG01

Marami ang nagsasabi, “Sana'y makakita kami ng ilang kabutihan! O PANGINOON, ang liwanag ng iyong mukha sa amin ay isilay!” Ikaw ay naglagay ng kagalakan sa aking puso, kaysa nang ang kanilang butil at alak ay sagana. Payapa akong hihiga at gayundin ay matutulog; sapagkat ikaw lamang, O PANGINOON, ang gumagawa upang mamuhay ako sa katiwasayan.