Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 39:1-4

MGA AWIT 39:1-4 ABTAG01

Aking sinabi, “Ako'y mag-iingat sa aking mga lakad, upang huwag akong magkasala sa aking dila; iingatan ko ang aking bibig na parang binusalan, hangga't ang masasama ay nasa aking harapan.” Ako'y tumahimik at napipi, ako'y tumahimik pati sa mabuti; lalong lumubha ang aking pighati, ang puso ko'y uminit sa aking kalooban. Samantalang ako'y nagbubulay-bulay, ang apoy ay nagningas, pagkatapos sa aking dila ako ay bumigkas: “PANGINOON, ipaalam mo sa akin ang aking katapusan, at kung ano ang sukat ng aking mga araw; ipaalam sa akin kung gaano kadaling lumipas ang aking buhay!