Mga Awit 39:1-4
Mga Awit 39:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang sabi ko sa sarili, sa gawai'y mag-iingat, at hindi ko hahayaang ang dila ko ay madulas; upang hindi magkasala, ako'y di magsasalita habang nakapalibot, silang mga masasama. Ako'y sadyang nanahimik, wala akong sinasabi, hindi ako nagsalita maging tungkol sa mabuti; ngunit lalo pang lumubha paghihirap ng sarili. Ako'y lubhang nabahala, nangangamba ang puso ko, habang aking iniisip, lalo akong nalilito; nang di ako makatiis, ang sabi ko ay ganito: “Yahweh, sana'y sabihin mo kung kailan mamamatay, kung gaanong katagal pa kaya ako mabubuhay.”
Mga Awit 39:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi ko sa aking sarili, “Ang ugali koʼy aking babantayan, sa pagsasalita, ang magkasalaʼy iiwasan. Pipigilan ko ang aking mga labi habang malapit ako sa masasamang tao.” Kaya tumahimik ako at walang anumang sinabi kahit mabuti, ngunit lalong nadagdagan ang sakit ng aking kalooban. Akoʼy tunay na nabahala, at sa kaiisip koʼy lalo akong naguluhan, kaya nang hindi ko na mapigilan ay sinabi ko, “PANGINOON, paalalahanan nʼyo ako na may katapusan at bilang na ang aking mga araw, na ang buhay ko sa mundoʼy pansamantala lamang. Paalalahanan nʼyo akong sa mundo ay lilisan.
Mga Awit 39:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Aking sinabi, ako'y magiingat sa aking mga lakad, upang huwag akong magkasala ng aking dila: aking iingatan ang aking dila ng paningkaw, samantalang ang masama ay nasa harap ko. Ako'y napipi ng pagtahimik, ako'y tumahimik pati sa mabuti; at ang aking kalungkutan ay lumubha. Ang aking puso ay mainit sa loob ko; habang ako'y nagbubulaybulay ay nagalab ang apoy: nang magkagayo'y nagsalita ako ng aking dila: Panginoon, ipakilala mo sa akin ang aking wakas, at ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano; ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako.
Mga Awit 39:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang sabi ko sa sarili, sa gawai'y mag-iingat, at hindi ko hahayaang ang dila ko ay madulas; upang hindi magkasala, ako'y di magsasalita habang nakapalibot, silang mga masasama. Ako'y sadyang nanahimik, wala akong sinasabi, hindi ako nagsalita maging tungkol sa mabuti; ngunit lalo pang lumubha paghihirap ng sarili. Ako'y lubhang nabahala, nangangamba ang puso ko, habang aking iniisip, lalo akong nalilito; nang di ako makatiis, ang sabi ko ay ganito: “Yahweh, sana'y sabihin mo kung kailan mamamatay, kung gaanong katagal pa kaya ako mabubuhay.”
Mga Awit 39:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Aking sinabi, Ako'y magiingat sa aking mga lakad, Upang huwag akong magkasala ng aking dila: Aking iingatan ang aking dila ng paningkaw, Samantalang ang masama ay nasa harap ko. Ako'y napipi ng pagtahimik, ako'y tumahimik pati sa mabuti; At ang aking kalungkutan ay lumubha. Ang aking puso ay mainit sa loob ko; Habang ako'y nagbubulaybulay ay nagalab ang apoy: Nang magkagayo'y nagsalita ako ng aking dila: Panginoon, ipakilala mo sa akin ang aking wakas, At ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano; Ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako.