Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 34:4-7

MGA AWIT 34:4-7 ABTAG01

Hinanap ko ang PANGINOON, at ako'y kanyang sinagot, at iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga takot. Sila'y tumingin sa kanya, at naging makinang, at ang kanilang mga mukha ay hindi mapapahiya kailanman. Ang abang taong ito ay dumaing, at ang PANGINOON sa kanya'y nakinig, at iniligtas siya sa lahat niyang mga ligalig. Ang anghel ng PANGINOON ay nagbabantay sa palibot ng mga natatakot sa kanya, at inililigtas sila.