Mga Awit 34:4-7
Mga Awit 34:4-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Akoʼy nanalangin sa PANGINOON at akoʼy kanyang sinagot. Pinalaya niya ako sa lahat ng aking takot. Ang mga umaasa sa kanya ay nagniningning ang mata sa kaligayahan, at walang bahid ng hiya sa kanilang mukha. Noong wala na akong pag-asa, tumawag ako sa PANGINOON. Akoʼy kanyang pinakinggan at iniligtas sa lahat ng mga dinaranas kong kahirapan. Ang anghel ng PANGINOON ay nagbabantay sa mga may takot sa Dios, at ipinagtatanggol niya sila.
Mga Awit 34:4-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako, At iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan. Sila'y nagsitingin sa kaniya, at nangaliwanagan: At ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man. Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon. At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan. Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya, At ipinagsasanggalang sila.
Mga Awit 34:4-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos, inalis niya sa akin ang lahat kong takot. Nagalak ang aping umasa sa kanya, pagkat di nabigo ang pag-asa nila. Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila'y iniligtas sa hirap at dusa. Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop.
Mga Awit 34:4-7 Ang Biblia (TLAB)
Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako, at iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan. Sila'y nagsitingin sa kaniya, at nangaliwanagan: at ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man. Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon. At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan. Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya, at ipinagsasanggalang sila.
Mga Awit 34:4-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos, inalis niya sa akin ang lahat kong takot. Nagalak ang aping umasa sa kanya, pagkat di nabigo ang pag-asa nila. Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila'y iniligtas sa hirap at dusa. Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop.