Ang isang hari ay hindi inililigtas ng kanyang napakaraming kawal; ang isang mandirigma ay hindi inililigtas ng kanyang makapangyarihang lakas. Ang kabayong pandigma ay walang kabuluhang pag-asa para sa tagumpay, at hindi ito makapagliligtas sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang lakas. Tunay na ang mata ng PANGINOON ay nasa kanila na natatakot sa kanya, sa kanila na umaasa sa tapat na pag-ibig niya, upang kanyang mailigtas ang kaluluwa nila mula sa kamatayan, at sa taggutom ay panatilihin silang buháy. Naghihintay sa PANGINOON ang aming kaluluwa; siya ang aming saklolo at panangga. Oo, ang aming puso ay nagagalak sa kanya, sapagkat kami ay nagtitiwala sa banal na pangalan niya.
Basahin MGA AWIT 33
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 33:16-21
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas