Mga Awit 33:16-21
Mga Awit 33:16-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Di dahil sa hukbo, hari'y nagtagumpay, ni dahil sa lakas, nagwagi ang kawal; kabayong pandigma'y di na kailangan, upang sa digmaa'y kamtin ang tagumpay; di makakapagligtas, lakas nilang taglay. Ang nagmamahal kay Yahweh, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga. Hindi hahayaang sila ay mamatay, kahit magtaggutom sila'y binubuhay. Tanging si Yahweh lang ang ating pag-asa; tulong na malaki at sanggalang siya. Dahil nga sa kanya, kami'y natutuwa; sa kanyang pangalan ay nagtitiwala.
Mga Awit 33:16-21 Ang Salita ng Dios (ASND)
Hindi nananalo ang isang hari dahil sa dami ng kanyang kawal, at hindi naman naililigtas ang kawal gamit ang kanyang lakas. Ang mga kabayo ay hindi maaasahan na maipanalo ang digmaan; hindi sila makapagliligtas sa kabila ng kanilang kalakasan. Ngunit binabantayan ng PANGINOON ang mga may takot sa kanya, sila na nagtitiwala sa kanyang pag-ibig. Silaʼy inililigtas niya sa kamatayan, at sa panahon ng taggutom, silaʼy kanyang inaalalayan. Tayoʼy naghihintay nang may pagtitiwala sa PANGINOON. Siya ang tumutulong at sa atin ay nagtatanggol. Nagagalak tayo, dahil tayoʼy nagtitiwala sa kanyang banal na pangalan.
Mga Awit 33:16-21 Ang Biblia (TLAB)
Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo: ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan. Ang kabayo ay walang kabuluhang bagay sa pagliligtas: ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan; Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob; Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at upang ingatan silang buhay sa kagutom. Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon: siya'y aming saklolo at aming kalasag. Sapagka't ang aming puso ay magagalak sa kaniya, sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan.
Mga Awit 33:16-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Di dahil sa hukbo, hari'y nagtagumpay, ni dahil sa lakas, nagwagi ang kawal; kabayong pandigma'y di na kailangan, upang sa digmaa'y kamtin ang tagumpay; di makakapagligtas, lakas nilang taglay. Ang nagmamahal kay Yahweh, at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga. Hindi hahayaang sila ay mamatay, kahit magtaggutom sila'y binubuhay. Tanging si Yahweh lang ang ating pag-asa; tulong na malaki at sanggalang siya. Dahil nga sa kanya, kami'y natutuwa; sa kanyang pangalan ay nagtitiwala.
Mga Awit 33:16-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo: Ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan. Ang kabayo ay walang kabuluhang bagay sa pagliligtas: Ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan; Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya, Sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob; Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, At upang ingatan silang buháy sa kagutom. Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon: Siya'y aming saklolo at aming kalasag. Sapagka't ang aming puso ay magagalak sa kaniya, Sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan.