Tungkol sa akin, sinabi ko sa panahon ng aking kasaganaan, “Hindi ako matitinag kailanman.” Sa pamamagitan ng iyong paglingap, O PANGINOON, ginawa mong matibay ang aking bundok; ikinubli mo ang iyong mukha, ako ay natakot. Ako'y dumaing sa iyo, O PANGINOON; at sa PANGINOON ay nanawagan ako: “Anong pakinabang mayroon sa aking dugo, kung ako'y bumaba sa Hukay? Pupurihin ka ba ng alabok? Isasaysay ba nito ang iyong katapatan? O PANGINOON, sa aki'y maawa ka, pakinggan mo ako! PANGINOON, nawa'y tulungan mo ako.” Iyong ginawang sayaw para sa akin ang pagtangis ko; hinubad mo ang aking damit-sako, at binigkisan mo ako ng kagalakan, upang luwalhatiin ka ng aking kaluluwa at huwag manahimik. O PANGINOON kong Diyos, ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailanman.
Basahin MGA AWIT 30
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 30:6-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas