Mga Awit 30:6-12
Mga Awit 30:6-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ko sa sarili pagkat ako'y panatag, “Kailanma'y hindi ako matitinag.” Kay buti mo, Yahweh, ako'y iyong iningatan, tulad sa isang muog sa kabundukan. Ngunit natakot ako, nang ako'y iyong iwan. Sa iyo, Yahweh, ako'y nanawagan, nagsumamo na ako ay tulungan: “Anong halaga pa kung ako'y mamamatay? Anong pakinabang kung malibing sa hukay? Makakapagpuri ba ang mga walang buhay? Maipapahayag ba nila ang iyong katapatan? Pakinggan mo ako, Yahweh, at kahabagan, O Yahweh, ako po sana'y tulungan!” Pinawi mo itong aking kalungkutan, pinalitan mo ng sayaw ng kagalakan! Pagluluksa ko ay iyong inalis, kaligayahan ang iyong ipinalit. Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.
Mga Awit 30:6-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan: Hindi ako makikilos kailan man. Ikaw, Panginoon, sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok: Iyong ikinubli ang iyong mukha; ako'y nabagabag. Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon; At sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik: Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay? Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan? Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin: Panginoon, maging saklolo nawa kita. Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis; Iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan: Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik: Oh Panginoon kong Dios, ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man.
Mga Awit 30:6-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sa panahon ng aking kaginhawahan ay sinabi ko, “Wala akong pangangambahan.” Itoʼy dahil sa kabutihan nʼyo, PANGINOON. Pinatatag nʼyo ako tulad ng isang bundok. Ngunit nang lumayo kayo sa akin, ako ay nanlumo. Tumawag ako sa inyo, PANGINOON, at nanalangin ng ganito: “Ano ang mapapala mo kung akoʼy mamatay? Makakapagpuri pa ba ang mga patay? Maipapahayag pa ba nila ang inyong katapatan? PANGINOON, pakinggan nʼyo ako at kahabagan. Tulungan nʼyo ako, PANGINOON!” Ang aking kalungkutan ay pinalitan nʼyo ng sayaw ng kagalakan. Hinubad nʼyo sa akin ang damit na panluksa, at binihisan nʼyo ako ng damit ng kagalakan, para hindi ako tumahimik, sa halip ay umawit ng papuri sa inyo. PANGINOON kong Dios, kayo ay aking pasasalamatan magpakailanman.
Mga Awit 30:6-12 Ang Biblia (TLAB)
Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan: hindi ako makikilos kailan man. Ikaw, Panginoon, sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok: iyong ikinubli ang iyong mukha; ako'y nabagabag. Ako'y dumaing sa iyo, Oh Panginoon; at sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik: Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako'y mababa sa hukay? Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan? Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin: Panginoon, maging saklolo nawa kita. Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis; iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan: Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik: Oh Panginoon kong Dios, ako'y magpapasalamat sa iyo magpakailan man.
Mga Awit 30:6-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)