Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 29:3-9

MGA AWIT 29:3-9 ABTAG01

Ang tinig ng PANGINOON ay nasa ibabaw ng mga tubig; ang Diyos ng kaluwalhatian ay kumukulog, ang PANGINOON, sa ibabaw ng maraming tubig. Ang tinig ng PANGINOON ay makapangyarihan, ang tinig ng PANGINOON ay puspos ng kadakilaan. Ang tinig ng PANGINOON ay bumabali ng mga sedro; binabali ng PANGINOON ang mga sedro ng Lebanon. Kanyang pinalulukso ang Lebanon na gaya ng guya, at ang Sirion na gaya ng mailap na guyang baka. Ang tinig ng PANGINOON ay nagpapasiklab ng mga ningas ng apoy. Niyayanig ng tinig ng PANGINOON ang ilang, niyayanig ng PANGINOON ang ilang ng Kadesh. Pinaaanak ng tinig ng PANGINOON ang mga usa, at hinuhubaran ang mga gubat; at ang lahat sa kanyang templo ay nagsasabi, “Kaluwalhatian!”