Mga Awit 29:3-9
Mga Awit 29:3-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang tinig ng PANGINOONG Dios na makapangyarihan ay dumadagundong na parang kulog sa ibabaw ng malalakas na alon ng karagatan. Ang tinig ng PANGINOON ay makapangyarihan at kagalang-galang. Ang tinig ng PANGINOON ay makakabali at makakapagpira-piraso ng pinakamatibay na mga puno ng sedro sa Lebanon. Niyayanig ng tinig ng PANGINOON ang mga bundok sa Lebanon at ang bundok ng Hermon, na parang bisirong baka na tumatalon-talon. Ang tinig ng PANGINOON ang nagpapakidlat. Ang tinig din ng PANGINOON ang nagpapayanig sa Disyerto ng Kadesh. Sa tinig ng PANGINOON, napapagalaw ang mga puno ng ensina, at nalalagas ang mga dahon sa kagubatan. At ang lahat ng nasa templo ay sumisigaw, “Ang Dios ay makapangyarihan!”
Mga Awit 29:3-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tinig ni Yahweh'y naririnig sa ibabaw ng dagat, ang dakilang Diyos ay nagpapakidlat, umaalingawngaw at naririnig ng lahat. Tinig ni Yahweh'y makapangyarihan, at punung-puno ng kadakilaan. Maging mga punong sedar ng Lebanon, sa tinig ni Yahweh, mawawasak ang mga iyon. Parang guyang pinalulundag niya ang mga bundok ng Lebanon, parang torong pinalulukso niya ang Bundok Hermon. Dahil sa tinig ni Yahweh, kidlat ay gumuguhit. Kapag siya'y nagsalita, disyerto'y nayayanig; inuuga niya pati ang ilang ng Kades. Sa tinig ni Yahweh, mga usa'y napapaanak, at nakakalbo pati ang mga gubat, lahat ng nasa Templo'y sumisigaw, “Ang Diyos ay papurihan!”
Mga Awit 29:3-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Mga Awit 29:3-9 Ang Biblia (TLAB)
Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig: ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog, sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig. Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan; ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan. Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro; Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano. Kaniya namang pinalulukso na gaya ng guya: ang Libano at Sirion na gaya ng mailap na guyang baka. Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon. Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang: niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades. Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa, at hinuhubdan ang mga gubat: at sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: kaluwalhatian.
Mga Awit 29:3-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig: Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog, Sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng maraming tubig. Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan; Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan. Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro; Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano. Kaniya namang pinalulukso na gaya ng guya: Ang Libano at Sirion na gaya ng mailap na guyang baka. Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon. Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang: Niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades. Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa, At hinuhubdan ang mga gubat: At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: Kaluwalhatian.