Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 26

26
Awit ni David.
1Pawalang-sala mo ako, O Panginoon,
sapagkat ako'y lumakad sa aking katapatan,
at ako'y nagtiwala sa Panginoon nang walang pag-aalinlangan.
2Siyasatin mo ako, O Panginoon, at ako'y subukin,
ang aking puso at isipan ay iyong suriin.
3Sapagkat ang iyong tapat na pag-ibig ay nasa harapan ng aking mga mata,
at ako'y lumalakad na may katapatan sa iyo.
4Hindi ako umuupong kasama ng mga sinungaling na tao;
ni sa mga mapagkunwari ay nakikisama ako.
5Kinapopootan ko ang pangkat ng mga gumagawa ng kasamaan,
at hindi ako uupong kasama ng tampalasan.
6Hinuhugasan ko ang aking mga kamay sa kawalang-sala;
at magtutungo ako, O Panginoon, sa iyong dambana,
7na umaawit nang malakas ng awit ng pasasalamat,
at ang iyong kahanga-hangang mga gawa ay ibinabalitang lahat.
8O Panginoon, mahal ko ang bahay na iyong tinatahanan
at ang dakong tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.
9Huwag mong kunin ang aking kaluluwa kasama ng mga makasalanan,
ni ang aking buhay na kasama ng mga taong sa dugo ay uhaw,
10mga taong masasamang gawa ang nasa kanilang mga kamay,
na ang kanilang kanang kamay ay punô ng mga lagay.
11Ngunit sa ganang akin ay lalakad ako sa aking katapatan;
tubusin mo ako, at kahabagan.
12Sa isang patag na lupa ang paa ko'y nakatuntong,
sa malaking kapulungan ay pupurihin ko ang Panginoon.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 26: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya