Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 26:1-12

MGA AWIT 26:1-12 ABTAG01

Pawalang-sala mo ako, O PANGINOON, sapagkat ako'y lumakad sa aking katapatan, at ako'y nagtiwala sa PANGINOON nang walang pag-aalinlangan. Siyasatin mo ako, O PANGINOON, at ako'y subukin, ang aking puso at isipan ay iyong suriin. Sapagkat ang iyong tapat na pag-ibig ay nasa harapan ng aking mga mata, at ako'y lumalakad na may katapatan sa iyo. Hindi ako umuupong kasama ng mga sinungaling na tao; ni sa mga mapagkunwari ay nakikisama ako. Kinapopootan ko ang pangkat ng mga gumagawa ng kasamaan, at hindi ako uupong kasama ng tampalasan. Hinuhugasan ko ang aking mga kamay sa kawalang-sala; at magtutungo ako, O PANGINOON, sa iyong dambana, na umaawit nang malakas ng awit ng pasasalamat, at ang iyong kahanga-hangang mga gawa ay ibinabalitang lahat. O PANGINOON, mahal ko ang bahay na iyong tinatahanan at ang dakong tinatahanan ng iyong kaluwalhatian. Huwag mong kunin ang aking kaluluwa kasama ng mga makasalanan, ni ang aking buhay na kasama ng mga taong sa dugo ay uhaw, mga taong masasamang gawa ang nasa kanilang mga kamay, na ang kanilang kanang kamay ay punô ng mga lagay. Ngunit sa ganang akin ay lalakad ako sa aking katapatan; tubusin mo ako, at kahabagan. Sa isang patag na lupa ang paa ko'y nakatuntong, sa malaking kapulungan ay pupurihin ko ang PANGINOON.