Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 18:25-36

MGA AWIT 18:25-36 ABTAG01

Sa tapat ay ipinakita mo ang iyong sarili bilang tapat; sa mga walang dungis ay ipinakita mo ang sarili bilang walang dungis. Sa dalisay ay ipinakita mo ang sarili bilang dalisay; at sa liko ay ipinakita mo ang sarili bilang masama. Sapagkat iyong ililigtas ang mapagpakumbabang bayan, ngunit ang mga mapagmataas na mata ay ibababa mo naman. Oo, iyong papagniningasin ang aking ilawan; pinaliliwanag ng PANGINOON kong Diyos ang aking kadiliman. Oo, sa pamamagitan mo ang isang hukbo ay madudurog ko, at sa pamamagitan ng aking Diyos ang pader ay aking malulukso. Tungkol sa Diyos—sakdal ang lakad niya; ang salita ng PANGINOON ay subok na; siya'y kalasag ng lahat na nanganganlong sa kanya. Sapagkat sino ang Diyos, kundi ang PANGINOON? At sino ang malaking bato, maliban sa ating Diyos? Ang Diyos na nagbibigkis sa akin ng kalakasan, at ginagawang ligtas ang aking daan. Kanyang ginagawa ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa, at sa mataas na dako ako'y matatag na inilalagay niya. Sinasanay niya ang aking mga kamay para sa pakikidigma, anupa't kayang baluktutin ng aking mga kamay ang panang tanso. Ang kalasag ng iyong pagliligtas sa akin ay ibinigay mo, at ng iyong kanang kamay ay inalalayan ako, at pinadakila ako ng kahinahunan mo. Maluwag na lugar ay binibigyan mo ako, para sa aking mga hakbang sa ilalim ko, at hindi nadulas ang mga paa ko.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 18:25-36