Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 145:17-21

MGA AWIT 145:17-21 ABTAG01

Ang PANGINOON ay matuwid sa lahat ng pamamaraan niya, at mabait sa lahat niyang mga gawa. Ang PANGINOON ay malapit sa lahat ng sa kanya'y nananawagan, sa lahat ng tumatawag sa kanya sa katotohanan. Kanyang ibinibigay ang nasa ng lahat ng natatakot sa kanya; kanya ring dinirinig ang kanilang daing, at inililigtas sila. Iniingatan ng PANGINOON ang lahat ng umiibig sa kanya; ngunit lahat ng masama ay lilipulin niya. Ang aking bibig ay magsasalita ng papuri sa PANGINOON; at pupurihin ng lahat ng laman ang kanyang banal na pangalan magpakailanpaman.