Mga Awit 145:17-21
Mga Awit 145:17-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Matuwid si Yahweh sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip ang masagana niyang awa. Siya'y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao, sa sinumang taong pagtawag sa kanya'y tapat at totoo. Bawat kailangan ng taong tapat at may takot sa kanya, kanyang tinutugon, at kung nagigipit hinahango sila. Yaong umiibig sa kanya ng lubos ay iniingatan; ngunit ang masama'y wawasakin niya't walang mabubuhay. Aking pupurihin ang Diyos na si Yahweh, habang nabubuhay, sa ngalan niyang banal, lahat ay magpuri magpakailanman!
Mga Awit 145:17-21 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, matuwid kayo sa lahat ng inyong pamamaraan, at matapat sa lahat ng inyong ginagawa. Kayoʼy malapit sa lahat ng tapat na tumatawag sa inyo. Ibinibigay nʼyo ang nais ng mga taong may takot sa inyo; pinapakinggan nʼyo ang kanilang mga daing at inililigtas nʼyo sila. Binabantayan nʼyo ang mga umiibig sa inyo, ngunit ang masasama ay lilipulin ninyo. Pupurihin ko kayo, PANGINOON! Ang lahat ng nilikha ay magpupuri sa inyo magpakailanman.
Mga Awit 145:17-21 Ang Biblia (TLAB)
Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan, at mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa. Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya, sa lahat na nagsisitawag sa kaniya sa katotohanan. Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya; kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila. Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya; nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya. Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon; at purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man.
Mga Awit 145:17-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Matuwid si Yahweh sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit anong gawin ay kalakip ang masagana niyang awa. Siya'y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao, sa sinumang taong pagtawag sa kanya'y tapat at totoo. Bawat kailangan ng taong tapat at may takot sa kanya, kanyang tinutugon, at kung nagigipit hinahango sila. Yaong umiibig sa kanya ng lubos ay iniingatan; ngunit ang masama'y wawasakin niya't walang mabubuhay. Aking pupurihin ang Diyos na si Yahweh, habang nabubuhay, sa ngalan niyang banal, lahat ay magpuri magpakailanman!
Mga Awit 145:17-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang Panginoon ay matuwid sa lahat niyang daan, At mapagbiyaya sa lahat niyang mga gawa. Ang Panginoon ay malapit sa lahat na nagsisitawag sa kaniya, Sa lahat na nagsisitawag sa kaniya sa katotohanan. Kaniyang tutuparin ang nasa nila na nangatatakot sa kaniya; Kaniya ring didinggin ang kanilang daing, at ililigtas sila. Iniingatan ng Panginoon ang lahat na nagsisiibig sa kaniya; Nguni't lahat ng masama ay lilipulin niya. Ang aking bibig ay magsasalita ng kapurihan ng Panginoon; At purihin ng lahat na laman ang kaniyang banal na pangalan magpakailan-kailan pa man.