Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 136:1-9

MGA AWIT 136:1-9 ABTAG01

O magpasalamat kayo sa PANGINOON; sapagkat siya'y mabuti; sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman. O magpasalamat kayo sa Diyos ng mga diyos, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman. Ang Panginoon ng mga panginoon ay inyong pasalamatan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; siya na tanging gumagawa ng mga dakilang kababalaghan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; siya na sa pamamagitan ng unawa ay ginawa ang kalangitan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; siya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; siya na gumawa ng mga dakilang tanglaw, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; ng araw upang ang araw ay pagharian, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman; ng buwan at mga bituin upang ang gabi'y pamunuan, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 136:1-9

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya