Mga Awit 136:1-9
Mga Awit 136:1-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Pinakadakilang Diyos ng mga diyos ay pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Ang Panginoon ng mga Panginoon ay ating pasalamatan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Dakilang himala at kababalaghan, tanging kanya lamang. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Itong kalangitan kanyang ginawa nang buong kahusayan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Nilikha ang lupa at pati ang tubig nitong kalaliman. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Siya ang lumikha, siya ang gumawa, ng araw at buwan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! Nilikha ang araw upang sa maghapon ay siyang tumanglaw. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman! At kanyang nilikhang pananglaw kung gabi, bituin at buwan. Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
Mga Awit 136:1-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Mga Awit 136:1-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Magpasalamat kayo sa PANGINOON, dahil siyaʼy mabuti. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Magpasalamat kayo sa kanya na Dios ng mga dios. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Magpasalamat kayo sa PANGINOON ng mga panginoon. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Siya lang ang gumagawa ng kahanga-hangang mga himala. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Sa pamamagitan ng kanyang karunungan, ginawa niya ang kalangitan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Inilatag niya ang lupa sa ibabaw ng tubig. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ginawa niya ang araw at ang buwan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ginawa niya ang araw upang magbigay liwanag kung araw. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. Ginawa niya ang buwan at mga bituin upang magbigay liwanag kung gabi. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.
Mga Awit 136:1-9 Ang Biblia (TLAB)
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Ng araw upang magpuno sa araw: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Mga Awit 136:1-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw; Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Ng araw upang magpuno sa araw: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man: Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi: Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.