Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 127:1-3

MGA AWIT 127:1-3 ABTAG01

Malibang ang PANGINOON ang magtayo ng bahay, ang mga nagtatayo nito ay walang kabuluhang nagpapagod. Malibang ang PANGINOON ang magbantay sa lunsod, ang bantay ay nagpupuyat nang walang kabuluhan. Walang kabuluhan na kayo'y bumabangon nang maaga, at malalim na ang gabi kung magpahinga, na kumakain ng tinapay ng mga pagpapagal; sapagkat binibigyan niya ng tulog ang kanyang minamahal. Narito, ang mga anak ay pamanang sa PANGINOON nagmula, ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala.