Mga Awit 127:1-3
Mga Awit 127:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Maliban nga na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay, ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan; maliban nga na si Yahweh ang sa lunsod ay gumabay, ang pagmamasid ng bantay ay wala ring saysay. Hindi dapat pakahirap, magpagal sa hanapbuhay; maaga pa kung bumangon, gabing-gabi kung humimlay, pagkat pinagpapahinga ni Yahweh ang kanyang mahal. Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak.

Mga Awit 127:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kung wala ang tulong ng PANGINOON sa pagtayo ng bahay, walang kabuluhan ang pagtatayo nito. Kung wala ang pag-iingat ng PANGINOON sa bayan, walang kabuluhan ang pagbabantay dito. Walang kabuluhan ang paggising nang maaga at pagtulog nang gabing-gabi na sa pagtatrabaho upang may makain, dahil ang PANGINOON ang nagbibigay ng mga pangangailangan ng kanyang mga minamahal, kahit silaʼy natutulog. Ang mga anak ay pagpapala at gantimpalang mula sa PANGINOON.
Mga Awit 127:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Malibang itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo: malibang ingatan ng Panginoon ang bayan, walang kabuluhang gumigising ang bantay. Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga, at magpahingang tanghali, at magsikain ng tinapay ng kapagalan: sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal. Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon: at ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.
Mga Awit 127:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Maliban nga na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay, ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan; maliban nga na si Yahweh ang sa lunsod ay gumabay, ang pagmamasid ng bantay ay wala ring saysay. Hindi dapat pakahirap, magpagal sa hanapbuhay; maaga pa kung bumangon, gabing-gabi kung humimlay, pagkat pinagpapahinga ni Yahweh ang kanyang mahal. Kaloob nga ni Yahweh itong ating mga anak, ang ganitong mga supling, pagpapalang mayro'ng galak.
Mga Awit 127:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Malibang itayo ng Panginoon ang bahay, Walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo: Malibang ingatan ng Panginoon ang bayan, Walang kabuluhang gumigising ang bantay. Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga, At magpahingang tanghali, At magsikain ng tinapay ng kapagalan: Sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal. Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon: At ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.