Ako'y natuwa nang kanilang sabihin sa akin, “Tayo na sa bahay ng PANGINOON!” Ang mga paa natin ay nakatayo sa loob ng iyong mga pintuan, O Jerusalem; Jerusalem, na natayo na parang lunsod na siksikan; na inaahon ng mga lipi, ng mga lipi ng PANGINOON, gaya ng iniutos para sa Israel, upang magpasalamat sa pangalan ng PANGINOON. Doo'y inilagay ang mga trono para sa paghatol, ang mga trono ng sambahayan ni David. Idalangin ninyo ang sa Jerusalem na kapayapaan! “Guminhawa nawa silang sa iyo ay nagmamahal! Magkaroon nawa sa loob ng inyong mga pader ng kapayapaan, at sa loob ng iyong mga tore ay katiwasayan!” Alang-alang sa aking mga kapatid at mga kaibigan, aking sasabihin, “Sumainyo ang kapayapaan.” Alang-alang sa bahay ng PANGINOON nating Diyos, hahanapin ko ang iyong ikabubuti.
Basahin MGA AWIT 122
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 122:1-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas